Tuesday, September 6, 2011

HOW WOULD YOU DESCRIBE OUR REUNION?

The reunion was overwhelmed, fantastic, so memorable and a big surprise!!! OVERWHELMED, Madaming dumating na kabatch natin! Talagang ibang-iba na tayo kumpara nung nakaraang labing-apat na taon. Iba-iba rin ang reaksiyon sa isa't-isa, may nagulat! (siguro dahil di niya akalain na yung ugly duckling na classmate nya noon ay mala-diosa na ngayon or vice versa) mayroon namang nagkakabatian na ngayon, samantalang magkapitbahay naman pala sila sa mahabang panahon (kinailangan pang magreunion para mag-usap sila), mayroon namang tahimik (siguro dahil nakikiramdam, duda sa katabi kung ito nga ba yung classmate nya noon, nag-iba na kasi ang looks!) maraming mukhang nakita na di mo aakalaing sila na pala yung kasama mo sa eskwelaha noon ng apat na taon. eto sila noon at ngayon...
JS PROM
SA LABAS NG PLATO PLATINA...
FANTASTIC dahil hanggang ngayon, dalaga pa rin po si MAM RAYMUNDO...
MEMORABLE, dahil naibalik ni sadee ang paborito nating performance nung HS... lakasan lang talaga ng loob! AT ETO SIYA NUNG REUNION...
ETO PO SI SADEE 14 YEARS AGO...MAY PAGKAKAIBA PO BA?...
BIG SURPRISE...i made an announcement before we ended the program..."mga kabatch, salamat po sa inyong pagdalo ngayong gabi, pero ang pagkakatipon po nating ito ay may purpose, hindi lamang po ito basta nagkita kita tayo o nagsaya sa gabing ito, dahil sa mga susunod na araw makikita nyo po ang dahilan kung bakit po tayo nagkaroon ng reunion, di ko pa lang po masasabi sa ngayon kung ano po ito pero kapag naisagawa na po namin, malalaman nyo rin po"... eto po yung big surprise...paki copy paste na lang po sa another tab ang url ng link na ito.. http://www.4shared.com/video/uaMslb_h/MASDAN_MO_ANG_MGA_BATA_-_JACKE.html? Alam ko po may dahillan kung bakit Niya tayo muling pinagtagpo...at ito ay ang matulungan ang isa't-isa...Sana po ikaw na nagbabasa nito, kasama ka sa adhikaing ito, dahil batch mapagkawanggawa ka!

1 comment:

  1. Overwhelming,masaya,excited at nakakakaba...nakakakaba-kasi after 14 years di mo alam kung kakilala ka pa ng mga ka batchmate mo o nung mga mismong naging kaklase mo...excited kasi gusto mo silang makitang muli at makakwentuhan ibalik ang mga natatanging memories na pinagsamahan ninyong lahat sa hirap at saya..masaya kasi pagkalipas ng mahabang panahon yun pa rin ang dating samahan at ramdam mo pa rin na walang ipinagbago lumipas man ang panahon....

    ReplyDelete