Monday, September 19, 2011
Teacher's Pet?
Sa eskwelahan, ikaw ay teacher’s pet kung:
Taga tinda ka ng lugaw, yema, sampaloc o kaya chocolate na pagmamay-ari ng teacher.
Pero walang alam ang ibang kaklase mo na may porsyento ka rin dun! One week to pay naman! (wow bisnesman!)
Ikaw ang nagche-check ng test papers ng buong klase.
Dahil ikaw ang naunang matapos sa matalinong nakopyahan mo. (in fairness minsan, kung sino pa nangopya, siya pa may mataas na score)
Monitor. Ito ang kaaway ng lahat, taga monitor ng attendance at taga lista ng maingay sa klase.
Shhh…wag kayo maingay. Maililista ka sa board na noisy! Sige ka!
Taga sundo sa teacher mo mula sa faculty dahil marami siyang bitbit. Cartolina, white board, props, visual aides.
Mag-uunahan pa ang mga yan magvolunteer lalo na kung maganda ang teacher! Pero kung tulad ni mam taratitat? (remember her? Our science teacher?) mag-uunahan din sila, di para buhatin ang gamit, kundi para tumakbo! Ang haba kasi ng stick ni mam...
Ikaw ang nag-aalaga minsan ng anak ni mam.
Sa liit kasi ng sweldo ng mga teachers, wala na silang pambayad sa mga yaya. Kaya sana itaas naman ang sweldo nila! ikaw naman excuse syempre sa klase. Atleast maagang training diba? paglaki pwede kang maging DH o kaya naman pwede na ring caregiver..
Kasama sa tagayan este lakaran! (meh ganun??)
Wala kong masabi…boni, KAYO NA!!! (pero tingin ko di naman sila teacher’s pet, kundi teacher’s favorite!) alagang walang katulad daw!
Ikaw? Sino ka sa mga nabanggit? Naging teachers pet ka rin ba?
Sunday, September 18, 2011
BREAKTIME
LUNCHTIME NA NAMAN, ORAS NA PARA ITIGIL SANDALI ANG GINAGAWA SA OPISINA AT UPANG PUNAN ANG KALAM NG SIKMURA.
TULAD NG DATI, MARAMI NA NAMANG TAO SA CAFETERA, MAHABA PA RIN ANG PILA SA COUNTER. PUMILA AKO. MARAMING PAGPIPILIANG ULAM, MAY ADOBONG MANUYO NUYO ANG PAGKAKALUTO, SINIGANG NA BABOY NA LUMULUTANG PA ANG TABA (MASARAP ISAWSAW SA PATIS NA MAY KALAMANSI AT SILING LABUYO), LAING NA MARAMING SILI, FRIED CHICKEN, GINATAANG TILAPYA AT KUNG ANO ANO PA. SA PAG-IKOT NG AKING MGA MATA SA MASASARAP NAPAGKAIN, NAPADAKO ANG AKING PANINGIN SA ISANG HUGIS TATSULOK NA PAGKAIN. MAY KAPAL NA PARANG KALAHATING DANGKAL, MAY KULAY PULA, GREEN, AT BROWN SA GITNA, DAHIL SA PALAMAN NITONG GULAY AT ISDA … ANG TUNA SANDWICH.
DATI ANG BREAKTIME NAMIN NUNG HIGH SCHOOL AY 9:45 AM. KINSE MINUTOS LANG ANG BREAK, AT MATAPOS ANG MABILISANG KAIN, KAILANGAN NANG BUMALIK SA SILID ARALAN. PAGPATAK NG RECESS TIME (NA PABORITONG SUBJECT DAW NG KARAMIHAN) AGAD NA NAGLALABASAN ANG MGA ESTUDYANTE MULA SA KANI KANILANG MGA KLASRUM.
BENTE LANG ANG BAON KO NOON. SAPAT NAMAN ITO PARA SA AKIN, MINSAN NGA SOBRA PA, DEPENDE NA LANG SA DISKARTE MO SA PAGKAIN PARA MAKATIPID KA AT MAKAIPON.
PAGLABAS KO NG KLASRUM, KASAMA ANG KAIBIGAN KONG SI JAYJAY, AGAD NAMING TINUTUNGO ANG BILIHAN NG SANDWICH. ITO YUNG MAY VIRIETY NA HAM, EGG, HOTDOG AT TUNA , PINAPALAMAN KASAMA ANG MARAMING MAYONAISE SA ISANG HAMBURGER BUN AT ILALAGAY SA FLYING SAUCER PAN, TSAKA IIPITIN NG 3 MINUTO AT PESTO! LUTO NA ANG SANDWICH! IAABOT SAYO, MAINIT INIT PA.
KATABI NITO YUNG TINDAHAN NAMAN NG SHAKE! KUMBAGA SA SINEHAN, BLOCKBUSTER ITO! PILA BALDE ANG MGA ESTUDYANTENG UHAW SA PINAGHALONG YELO, SARIWANG PRUTAS AT ASUKAL . ISASALANG SA BLENDER, AT PAGKALIPAS NG ISANG ILANG MINUTO, ISASALIN NA ITO SA WATER JUG (PINUPUNO KASI NILA YUN!). MULA SA JUG, SASANDUKAN KA NILA SA ISANG PLASTIC CUP KAPALIT NG HALAGANG LIMAMPISO. MAY IBA’T-IBANG FLAVOR, MAY MANGO, AVOCADO AT CHOCOLATE. PABORITO KO NUN ANG ABOCADO! (WATERMELON NA KASI NGAYON)
SAMPUNG PISONG TUNA SANDWICH PLUS LIMANG PISONG AVOCADO SHAKE, PRESTO! MAY NATIRA PANG LIMANG PISO. MAMAYA KO GAGAMITIN ITO PAG-UWIAN PAMBILI NG SPAGHETTING SIKSIK SA KETSUP AT TIDBITS NG CARROTS AT TATLONG PIRASONG HIWA NG HOTDOG. KAILANGAN KO KASING KUMAIN BAGO SUMALANG SA NCO TRAINING SA HAPON.
NAALALA NYO RIN SIGURO YUNG TINDAHAN NI MANANG NG SPAGHETTI AT HALO HALO NA ANG PRESYO AY PAREHONG….LIMANG PISO! MASARAP ANG HALO HALO NI MANANG KAHIT TATLO LANG ANG SAHOG BUKOD SA YELO AT ASUKAL, ITO ANG SAGING, GULAMAN AT GATAS, MINSAN PAG MAY BUDGET SI MANANG MAY KASAMA PANG LECHE FLAN O KAYA AY UBE..INFAIRNES, MALINAMNAMN NAMAN AT MASARAP! MARAMMI KASING GATAS MAGLAGAY SI MANANG.
HAY, KAKAGUTOM, BUTI NA LANG AKO NA ANG SUSUNOD SA PILA PARA UMORDER.
IKAW ANONG PABORITO MONG PAGKAIN SA CANTEEN NATIN NOON?
Friday, September 9, 2011
LONG LOST FRIEND
Siksikan. Ito kadalasan ang sitwasyon ng lahat ng tren sa bansa mapa LRT o MRT man, lalo na kapag tulad nitong rush hour na. Patungo ako sa Rosario pasig upang bisitahin ang aking kapatid doon. Matagal na rin kasi akong hindi napapasyal sa kanila at lumalaki ang mga pamangkin kong di ko madalas makasama.
Pagdating sa Shaw blvd. station nahirapan pa kong lumabas dahil ang ibang pasaherong papasok palang ng tren ay nakikipag unahan pa sa mga tulad kong pababa na (para bang huling tren na ng MRT yung dumating). Matapos kong makalabas mula sa machine na kumakain ng ticket, ipinasok ko na ang stored value tickets sa aking bag subalit hindi ko pa man naisasara ang zipper ng bag biglang may humablot dito sabay hawak pa sa siko ko.
“natatandaan mo pa ba ko?” ang sabi ng may-ari ng mga kamay na nakahawak sa aking siko at bag.
Pagkakita ko sa kaniyang mukha agad kong napansin ang mga mata niyang may pagkasingkit. Seryoso man ang mukha subalit nababanaag mo pa rin ang pagiging likas na masayahin nito. Sa loob loob ko, ikaw na ba yan? ?? Mahaba ang buhok na aabot sa baywang, naka skinny jeans at polkadots na sweater ang suot ng taong nasa harapan ko, na mahigit sampung taon ko nang di nakita. Saglit akong natigilan pero nakabawi naman ako upang sagutin ang tanong niya sakin..
“UU naman! Sino ba naman ang makakalimot sayo!?” sabay ngiti at tapik sa kanyan balikat. “kumusta ka na? tagal na kitang gustong Makita!” ako naman ang nagtanong sa kaniya.
“ako rin matagal na kitang gustong Makita, alam mo bang pinagpe-pray ko pa kay jesus na sana isang araw Magkasalubong ulit ang landas natin, at ngayon pinagbigyan Niya ko! Akala ko di mo na ko matatandaan dahil sa ayos ko..”
Sino ba naman ang makakalimot sa taong nagging kasa kasama mo sa panahon ng iyong paglaki (pagdadalaga wika nga nila) president pa namin siya sa klase at ako ang kanyang bise presidente. Agad ko siyang niyayang kumain sa isang food chain dahil alas sais y media pa lang naman at 7:30 ang pasok nya, bilang isang call center agent, ako naman eh wala nang gagawin. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na makapagchikahan kami.
“may dalawang anak na ko! Parehas babae!” ang umpisa ng kwento nya sakin.
Muntik na kong maduwal sa kinakain kon spaghetti lalo na nung sumunod na sabihin nyang.. “sa magkaibang babae!” hay naku napalagok na lang ako ng pineapple juice para maalis man lang ang pagkaumay sa narinig ko. Sino ba namang mag-aakalang ang isang bading na mas malandi pa sakin kumilos eh makakadale ng dalawang babae..pero sabi nya kahit na nagkaanak na siya, lalaki pa rin ang gusto niya, kaya nga hiwalay na siya pareho sa dalawang babae.
Siya ang bumubuhay ngayon sa kanyang dalawang anak, responsible naman ang lola nyo bilang magulang. Ung panganay daw niya nasa 4 na taon na at ung bunso eh 2 yrs old. Marami kaming nais na pag-usapan pa subalit kailangan na naming maghiwalay dahil may pasok pa siya.
March 16, 2009 nang magkita kami ng long lost friend kong ito..at marahil ang ilan sa inyo ay nagging malapit din sa kanya, binigay naman niya ang number nya sakin pero dahil halos mag tatatlong taon na rin ang nakakalipas nawalan na ko ng contact sa kaniya..di na nagriring ang number na binigay nya sakin. Wala rin po siyang FB account that time dahil di daw siya marunong..well sana after 2 yrs eh marunong na siya at i-update nya tayo. Mga batchmates, siya po ang tinutukoy ko sa kwentong ito…
si JAY JAY BAUTISTA…
Tuesday, September 6, 2011
HOW WOULD YOU DESCRIBE OUR REUNION?
The reunion was overwhelmed, fantastic, so memorable and a big surprise!!!
OVERWHELMED, Madaming dumating na kabatch natin! Talagang ibang-iba na tayo kumpara nung nakaraang labing-apat na taon. Iba-iba rin ang reaksiyon sa isa't-isa, may nagulat! (siguro dahil di niya akalain na yung ugly duckling na classmate nya noon ay mala-diosa na ngayon or vice versa) mayroon namang nagkakabatian na ngayon, samantalang magkapitbahay naman pala sila sa mahabang panahon (kinailangan pang magreunion para mag-usap sila), mayroon namang tahimik (siguro dahil nakikiramdam, duda sa katabi kung ito nga ba yung classmate nya noon, nag-iba na kasi ang looks!)
maraming mukhang nakita na di mo aakalaing sila na pala yung kasama mo sa eskwelaha noon ng apat na taon. eto sila noon at ngayon...
JS PROM
SA LABAS NG PLATO PLATINA...
FANTASTIC dahil hanggang ngayon, dalaga pa rin po si MAM RAYMUNDO...
MEMORABLE, dahil naibalik ni sadee ang paborito nating performance nung HS... lakasan lang talaga ng loob! AT ETO SIYA NUNG REUNION...
ETO PO SI SADEE 14 YEARS AGO...MAY PAGKAKAIBA PO BA?...
BIG SURPRISE...i made an announcement before we ended the program..."mga kabatch, salamat po sa inyong pagdalo ngayong gabi, pero ang pagkakatipon po nating ito ay may purpose, hindi lamang po ito basta nagkita kita tayo o nagsaya sa gabing ito, dahil sa mga susunod na araw makikita nyo po ang dahilan kung bakit po tayo nagkaroon ng reunion, di ko pa lang po masasabi sa ngayon kung ano po ito pero kapag naisagawa na po namin, malalaman nyo rin po"...
eto po yung big surprise...paki copy paste na lang po sa another tab ang url ng link na ito.. http://www.4shared.com/video/uaMslb_h/MASDAN_MO_ANG_MGA_BATA_-_JACKE.html?
Alam ko po may dahillan kung bakit Niya tayo muling pinagtagpo...at ito ay ang matulungan ang isa't-isa...Sana po ikaw na nagbabasa nito, kasama ka sa adhikaing ito, dahil batch mapagkawanggawa ka!
Sunday, September 4, 2011
97@14
Labing apat na taon na pala ang nakakalipas mula ng lisanin ng may siyam na raang mag-aaral ng Pasay City East High School ang institusyong nagturo at humubog sa kanila upang maging isang mabuting mamamayan at harapin ang hamon ng buhay . Ito ang batch 97. Totoo nga ang sinasabing, ang high school life ang pinakamasarap na experience ng isang kabataan. Sa panahong ito, natuto tayong makipagbarkada, sumali sa mga extracurricular activity o minsan magbulakbol, di man magandang karanasan, pero ang iba, dito rin naranasan unang uminom ng alak at manigarilyo, syempre pahuhuli ba naman unang pagtibok ng puso para sa kanilang sinisinta. (intro pa lang ang haba na)
Haaay, talagang nakakamiss ang high school life! Lalo na kung may 14 yrs na rin kayong di nagkikita ng mga dati mong kaharutan, ka-kopyahan, kasama sa lahat ng kalokohan at pag-aaral. Kaya naman naisip namin nila lalaine at Ellen na magsagawa ng isang simple gathering para sa batch 97. Madalas ko kasing Makita sa FB ang gathering ng kanya kanyang section mapa higher man o katulad kong galling sa lower section. Buwan ng may, nung kami ay magkaroon ng kwentuhan sa FB ni lalaine at naisuggest niya na magkita kita kami at yayain ang buong batch (take note! Buong batch! Taas ng pangarap mo teh!) Na excite naman ako sa suggestion ng bruha! Halo halo na kasi naisip ko nun..ano na nga kaya kalagayan nila ngayon? Ilan ang nagging successful? Ilan na ang may asawa? Ilan na anak? Baka mamaya nakakabanggaan ko nap ala sa MRT di ko pa alam kabatch kop ala (tulad ng nangyari samin ni jayjay bautista) syempre di rin maiiwasan na isipin mo, kamusta na kaya si kuwan, si… ah.. si… CRUSH! Gwapo pa rin kaya siya ngayon? (kayo ba naisip nyo rin bay un? Maganda o gwapo pa rin kaya sa ngayon yung crush mo nung HS?) pero higit na nanaig sa aking puso ang Makita ko sila dahil simple lang ang dahilan - NAMISS ko sila! Ano ba naman na sandaling iwan ang pinagkakaabalahan at isang gabi ay ilaan ko para Makita ko ang mga mukha na minsan ay nagpasaya at nagpaluha ng aking kabataan. Inaamin ko sa sarili ko at sa buong mundo, hindi ko sila maaring kalimutan lalo na ang talikuran dahil bahagi ng aking kasaysayan ang batch 97.
July 16, 2011…naisakatuparan ang maambisyosang event, ang maipon sa isang gabi ang Pasay East batch 97. Nasa limampu lang mahigit ang aming inaasahang dadating dahil ito lang ang nagbigay ng kanilang confirmation sa araw ng minimithing piging. Subalit ikinagulat naming lahat ang pagdating ng halos isandaang panauing pandangal!
Kasama na ang lima naming mahal na guro (Ms. Raymundo, Mam Canonoy, Mam Eusebio, Mam Dinglasan and Sir Villareal our commandant) sila ang nagtiyagang nagturo sa amin, gumabay, nabuwisit, nagtiis at nagmahal…ang aming mga magulang sa paaralan.
Sa gabi ng piging, walang mahirap walang mayaman, walang higher or lower section man! Lahat masayang sinalubong ang isa’t-isa. Aaminin ko ulit..halos 60% ng dumating sa gabing iyon ay di ko na marecognize! Marahil ang iba rin ay ganun ang naranasan. Pero keber! Kilala man o hindi ang isa’t-isa o sa mukha na lang nagkakakilanlan, ang mahalaga nandito ka sa gathering, meaning ka batch ka namin! At welcome ka! Masaya ang lahat na nagkita kita sa unang pagkakataon, di man tayo buo pero higit sa 10% ang dumalo…Masaya pa rin! As in sobrang saya! Walang katapusang kwentuhan ang naganap, ang Plato platina Italian restaurant gusto nang magsara dahil hanggang ala una lang sila pero pinaextend namin at sinagad ang kanilang pasensiya hanggang alas tres ng umaga! Salamat kay Ms. Lea Aratan ang manager ng restaurant na matatagpuan sa bluewave macapagal (teka! Pano ba tayo nagkasya dun? Eh 60 lang ang capacity ng resto??)
Hindi man tayo kumpleto, pero matapos ang pagkikita kita, alam ko at alam ng lahat ng dumalo na maraming alala ala ang bumalik (gamut ba ito sa alziemers) marami man ang nangyari negatibo o positibo, may mga nagbago man sa kalagayan ng buhay may gumanda ang career, mayroon namang wala na atang balak hanapin ang kanyang career dahil kuntento na sa pagpapamilya, mayroon namang tama lang ang kalagayan as in tamang ganda lang! ang mahalaga, hindi tayo nakalimot sa isa’t-isa at mahal natin ang ating pinagmulan…batch 97, mapagkawanggawa! Mabuhay! Magkita kita tayo sa…
Subscribe to:
Posts (Atom)