Friday, September 9, 2011
LONG LOST FRIEND
Siksikan. Ito kadalasan ang sitwasyon ng lahat ng tren sa bansa mapa LRT o MRT man, lalo na kapag tulad nitong rush hour na. Patungo ako sa Rosario pasig upang bisitahin ang aking kapatid doon. Matagal na rin kasi akong hindi napapasyal sa kanila at lumalaki ang mga pamangkin kong di ko madalas makasama.
Pagdating sa Shaw blvd. station nahirapan pa kong lumabas dahil ang ibang pasaherong papasok palang ng tren ay nakikipag unahan pa sa mga tulad kong pababa na (para bang huling tren na ng MRT yung dumating). Matapos kong makalabas mula sa machine na kumakain ng ticket, ipinasok ko na ang stored value tickets sa aking bag subalit hindi ko pa man naisasara ang zipper ng bag biglang may humablot dito sabay hawak pa sa siko ko.
“natatandaan mo pa ba ko?” ang sabi ng may-ari ng mga kamay na nakahawak sa aking siko at bag.
Pagkakita ko sa kaniyang mukha agad kong napansin ang mga mata niyang may pagkasingkit. Seryoso man ang mukha subalit nababanaag mo pa rin ang pagiging likas na masayahin nito. Sa loob loob ko, ikaw na ba yan? ?? Mahaba ang buhok na aabot sa baywang, naka skinny jeans at polkadots na sweater ang suot ng taong nasa harapan ko, na mahigit sampung taon ko nang di nakita. Saglit akong natigilan pero nakabawi naman ako upang sagutin ang tanong niya sakin..
“UU naman! Sino ba naman ang makakalimot sayo!?” sabay ngiti at tapik sa kanyan balikat. “kumusta ka na? tagal na kitang gustong Makita!” ako naman ang nagtanong sa kaniya.
“ako rin matagal na kitang gustong Makita, alam mo bang pinagpe-pray ko pa kay jesus na sana isang araw Magkasalubong ulit ang landas natin, at ngayon pinagbigyan Niya ko! Akala ko di mo na ko matatandaan dahil sa ayos ko..”
Sino ba naman ang makakalimot sa taong nagging kasa kasama mo sa panahon ng iyong paglaki (pagdadalaga wika nga nila) president pa namin siya sa klase at ako ang kanyang bise presidente. Agad ko siyang niyayang kumain sa isang food chain dahil alas sais y media pa lang naman at 7:30 ang pasok nya, bilang isang call center agent, ako naman eh wala nang gagawin. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na makapagchikahan kami.
“may dalawang anak na ko! Parehas babae!” ang umpisa ng kwento nya sakin.
Muntik na kong maduwal sa kinakain kon spaghetti lalo na nung sumunod na sabihin nyang.. “sa magkaibang babae!” hay naku napalagok na lang ako ng pineapple juice para maalis man lang ang pagkaumay sa narinig ko. Sino ba namang mag-aakalang ang isang bading na mas malandi pa sakin kumilos eh makakadale ng dalawang babae..pero sabi nya kahit na nagkaanak na siya, lalaki pa rin ang gusto niya, kaya nga hiwalay na siya pareho sa dalawang babae.
Siya ang bumubuhay ngayon sa kanyang dalawang anak, responsible naman ang lola nyo bilang magulang. Ung panganay daw niya nasa 4 na taon na at ung bunso eh 2 yrs old. Marami kaming nais na pag-usapan pa subalit kailangan na naming maghiwalay dahil may pasok pa siya.
March 16, 2009 nang magkita kami ng long lost friend kong ito..at marahil ang ilan sa inyo ay nagging malapit din sa kanya, binigay naman niya ang number nya sakin pero dahil halos mag tatatlong taon na rin ang nakakalipas nawalan na ko ng contact sa kaniya..di na nagriring ang number na binigay nya sakin. Wala rin po siyang FB account that time dahil di daw siya marunong..well sana after 2 yrs eh marunong na siya at i-update nya tayo. Mga batchmates, siya po ang tinutukoy ko sa kwentong ito…
si JAY JAY BAUTISTA…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment