Sunday, September 4, 2011

97@14


Labing apat na taon na pala ang nakakalipas mula ng lisanin ng may siyam na raang mag-aaral ng Pasay City East High School ang institusyong nagturo at humubog sa kanila upang maging isang mabuting mamamayan at harapin ang hamon ng buhay . Ito ang batch 97.  Totoo nga ang sinasabing, ang high school life ang pinakamasarap na experience ng isang kabataan. Sa panahong ito,  natuto tayong makipagbarkada, sumali sa mga extracurricular activity o minsan magbulakbol, di man magandang karanasan, pero ang iba, dito rin naranasan unang uminom ng alak at manigarilyo, syempre pahuhuli ba naman  unang pagtibok ng puso para sa kanilang sinisinta. (intro pa lang ang haba na)

Haaay, talagang nakakamiss ang high school life! Lalo na kung may 14 yrs na rin kayong di nagkikita ng mga dati mong kaharutan, ka-kopyahan, kasama sa lahat ng kalokohan at pag-aaral. Kaya naman naisip namin nila lalaine at Ellen na magsagawa ng isang simple gathering para sa batch 97. Madalas ko kasing Makita sa FB ang gathering ng kanya kanyang section mapa higher man o katulad kong galling sa lower section. Buwan ng may, nung kami ay magkaroon ng kwentuhan sa FB ni lalaine at naisuggest  niya na magkita kita kami at yayain ang buong batch (take note! Buong batch! Taas ng pangarap mo teh!) Na excite naman ako sa suggestion ng bruha!  Halo halo na kasi naisip ko nun..ano na nga kaya kalagayan nila ngayon? Ilan ang nagging successful? Ilan na ang may asawa? Ilan na anak? Baka mamaya nakakabanggaan ko nap ala sa MRT di ko pa alam kabatch kop ala (tulad ng nangyari samin ni jayjay bautista) syempre di rin maiiwasan na isipin mo, kamusta na kaya si kuwan, si… ah.. si… CRUSH! Gwapo pa rin kaya siya ngayon? (kayo ba naisip nyo rin bay un? Maganda o gwapo pa rin kaya sa ngayon yung crush mo nung HS?) pero higit na nanaig sa aking puso ang Makita ko sila dahil simple lang ang dahilan -  NAMISS ko sila! Ano ba naman na sandaling iwan ang pinagkakaabalahan at isang gabi ay ilaan ko para Makita ko ang  mga mukha na minsan ay nagpasaya at nagpaluha ng aking kabataan.  Inaamin ko sa sarili ko at sa buong mundo, hindi ko sila maaring kalimutan lalo na ang talikuran dahil bahagi ng aking kasaysayan ang batch 97. 







July 16, 2011…naisakatuparan ang maambisyosang event, ang maipon sa isang gabi ang Pasay East batch 97. Nasa limampu lang mahigit ang aming inaasahang dadating dahil ito lang ang nagbigay ng kanilang confirmation sa araw ng minimithing piging. Subalit ikinagulat naming lahat ang pagdating ng halos isandaang panauing pandangal! 



Kasama na ang lima naming mahal na guro (Ms. Raymundo, Mam Canonoy, Mam Eusebio, Mam Dinglasan and Sir Villareal our commandant) sila ang nagtiyagang nagturo sa amin, gumabay, nabuwisit, nagtiis at nagmahal…ang aming mga magulang sa paaralan.

Sa gabi ng piging, walang mahirap walang mayaman, walang higher or lower section man! Lahat masayang sinalubong ang isa’t-isa. Aaminin ko ulit..halos 60% ng dumating sa gabing iyon ay di ko na marecognize! Marahil ang iba rin ay ganun ang naranasan. Pero keber! Kilala man o hindi ang isa’t-isa o sa mukha na lang nagkakakilanlan, ang mahalaga  nandito ka sa gathering, meaning ka batch ka namin! At welcome ka!    Masaya ang lahat na nagkita kita sa unang pagkakataon, di man tayo buo pero higit sa 10% ang dumalo…Masaya pa rin! As in sobrang saya! Walang katapusang kwentuhan ang naganap, ang Plato platina Italian restaurant gusto nang magsara dahil hanggang ala una lang sila pero pinaextend namin at sinagad ang kanilang pasensiya hanggang alas tres ng umaga! Salamat kay Ms. Lea Aratan ang manager ng restaurant na matatagpuan sa bluewave macapagal (teka! Pano ba tayo nagkasya dun? Eh 60 lang ang capacity ng resto??)
Hindi man tayo kumpleto, pero matapos ang pagkikita kita, alam ko at alam ng lahat ng dumalo na maraming alala ala ang bumalik (gamut ba ito sa alziemers) marami man ang nangyari negatibo o positibo, may mga nagbago man sa kalagayan ng buhay may gumanda ang career, mayroon namang wala na atang balak hanapin ang kanyang career dahil kuntento na sa pagpapamilya, mayroon namang tama lang ang kalagayan as in tamang ganda lang! ang mahalaga, hindi tayo nakalimot sa isa’t-isa at mahal natin  ang ating pinagmulan…batch 97, mapagkawanggawa! Mabuhay! Magkita kita tayo sa…

5 comments:

  1. sayang naunahan ako sa mug, pwede first 2 nalang? hehehe.anyway i'd like to congratulate the batch for making one hell of a good job. till we met.

    ReplyDelete
  2. congrats and tnx 2 buboy remolin for making this blog...more power ^_^ God bless 2 all PCEHS batch 97'

    ReplyDelete
  3. congrats mare buboy! ^_^ and thanks sa pag created ng blogs natin

    ReplyDelete
  4. sana s su2nod n reunion mkjoin din kmi n hindi nkaattend...missed the happenings en bonding!!!!!!!

    ReplyDelete